Monday, March 14, 2011

Loooong time...

It was a looooooong time since my last blog... Well, sige, magkukuwento pa rin naman ako... Ü


Friday, February 25, 2011
One of the most painful times in my whole life. Grabe 'yung sakit ng ipin ko nitong gabi na'to. Umaabot hanggang ulo! As in hindi ko kinaya. Pinilit kong tiisin kasi naisip ko that a pain reliever could take it away. Ampotek! Hindi kinaya! I was literally banging my head in agony. Awang-awa na din ako kay lablab kasi hindi niya na alam kung ano gagawin niya...

Saturday, February 26, 2011
Still in writhing pain. Grabe na, abot na talaga hanggang ulo 'yung sakit at hindi ko na kinakaya. I'm taking some pain relievers pero konti lang ang nagagawang tulong. Pagkalipas ng dalawang oras ayun masakit na naman. Nanggigigil nako sa sakit talaga. Si lablab hindi na alam ang gagawin. Hanggang sa sabi ko hindi ko na talaga kaya gusto ko na pumunta sa dentista. Kaso gabi na, sabi niya bukas nalang... kaso Sunday naman kinabukasan, baka walang Dental Clinic na bukas. Bahala na...

Sunday, February 27, 2011
Restday ni lablab at talagang dumiretso na kami sa Dental Clinic. Binaybay namin ang Old Sta. Mesa St. at sinabihan kami ng kapatid ni lablab na meron daw bukas na Dental Clinic dun. Okay... so nagtingin kami at may nakita kami. Ready na agad si doktora kasi walang ka-pasye-pasyente.

Dentista: "Ano po'ng angal?"
Ako: "(Para namang nasa barangay hall lang...) Kasi po sobrang sakit na ng ipin ko. Matagal na po ito dapat nabunot pero natatakot kasi ako dati dahil sa..."
Dentista: "Sige 'ah' ka nga..."
Ako: "Aaaaaaahhhh..."
Dentista: (Kinatok 'yung ipin ko... may tao ba?) "Masakit?"
Ako: (Akala ko sisigaw ng 'Tao po!') "Opo, nakakangilo abot hanggang buto..."
Dentista: "Ay nako kailangan na nga talagang bunutin 'yan. Bunot na nga..."
Ako: "Oo nga po kaso kasi hypertensive ako e..."
Dentista: "Ano bang BP mo?"
Ako: "Pumapalo ng 140/100 most of the time, pero meron po akong maintenance medication."
Dentista: "Nako mataas pa din kasi 'yung diastolic mo 100. Buti sana kung mga 90, pwede pa. Kung gusto mo bukas or anytime soon, basta dapat sa umaga kasi hapon na at dapat mga 1 hour after mo uminom ng gamot mo."
Ako: "Ah okay. Sige po. Eh pano po ito sobrang sakit na talaga, eh?"
Dentista: "Nag-antibiotic ka na ba?"
Ako: "Hindi pa po..."
Dentista: "O sige eto. Inum ka na muna, mga 5 days ka uminom nito every 8 hours tapos... Kelan ka ba pwede magpabunot?"
Ako: "By Wednesday nalang po siguro..."
Dentista: "Ayan sakto para habang umiinom ka bunutan ka na din."
Ako: "Sige po. Thank you po..."

Hindi na nagpabayad si Doktora ng reseta at consultation fee. Ang bait! Medyo umaayos na din ang pakiramdam ko kasi kinokondisyon ko na yung sarili ko sa pagpapabunot ko soon! 'Tsaka nakakatulong din naman yung antibiotic.



Monday, February 28, 2011
Congratulations to me kasi I have successfully finished my Adobe Photoshop CS4 short course! Yay! So marunong nakong magpapanget ng mga litrato at imahe sa kompyuter! Nag-enjoy ako kasi kuwela din yung instructor namin. Medyo nahihirapan lang ako kasi naisip ko baka maging mapurol ako. Hindi kasi ako makapagpraktis eh. Dapat 'yun talagang pinapraktis para talagang maging pamilyar ka at masanay. Hindi pa naman ako artistic na tao. Bihira lang kapag natiyempuhan, eh malamang gutom pa'ko nun, so useless din... Hehehe. May pinapa-bisita sa'min yung instructor na website. Dun lahat ng pwedeng gawin sa photoshop ginawan ng contest. At may premyo din ito. Nung last day nga namin sinabihan kami na gumawa ng ad poster... Sa loob ng dalawang oras... Heller? Eh pag nagawa daw namin at ipinasa sa TESDA certified 3rd level expert na daw kami. Shushyal... 3rd level... Lume-level! Pero astig din yun kung nagawa ko yun oh... kasi naman habang nagiisip ako ng gagawin daldal naman ng daldal yung instructor, tapos nag-a-advertise tungkol sa mga ibang short courses na offered nung institute. Interesado pa naman ako dun sa mga video editing courses, natitigilan tuloy ako sa ginagawa ko. Ayun hanggang sa natapos na yung oras namin hindi ko na nagawa 'yung ad... Sayang! Ang galing lang talaga e...

Tuesday, March 1, 2011
DreamWeaver Class today!!!... Unfortunately hindi natuloy kasi sa tingin ko konti lang ang nag-enroll... or pwedeng hindi pa din available 'yung instructor namin.Okaaaaaaayyyy... so until next week nalang daw... Okay lang naman... Grrrr... Nakaka-bitin...



Wednesday, March 2, 2011
Ang araw na punong-puno ng sakit... bukod sa nakaraang sakit na dinanas ko nung weekend. Nagpunta na kami ni lablab sa dentista. Akala ko dun ulit kami sa pinuntahan namin nung weekend, hindi pala. Dun kami sa dentistang kakilala nila. Nagulat ako kasi iba yung dinaanan namin eh. Anyway, nakakatawa kasi biglang bunot nalang si Dok. As in pinaupo na'ko sabay pahid ng topical anesthesia sabay sabi na antay lang daw muna... Katok-katok... Masakit pa... Tapos biglang naghahanda na nung maliliit na hiringgilya... Sabay turok sa apat na kanto ng ipin ko... Antay lang daw ulit... Katok-katok... Medyo nabawasan ang sakit... Antay daw ng konti... Nakita ko may inaayos na naman na medyo mas malaking hiringgilya... Katok-katok... Nabawasan ulit ng konti... Sabay turok nung malaking hiringgilya! 'Yun na daw yung huling anesthesia... Malupit daw yun at kapag hindi pa umepekto, kinakabahan daw siya sa pagbunot. Ano ba yun? Eh parang hindi naman siya kabado at parang handang-handa siya na magpapabunot nako. Ako nga itong hindi prepared e... Kaloka... At nangyari na nga ang hugutan... Medyo nahirapan kasi biglang nag-break yung crown... Parang tao lang, marupok... hehehe... So kinalkal niya na lang yung naiwang ugat nung ipin (ipagpaumanhin na po ang ma-detalyeng kwento)... Tatapusin ko na kasi pag naaalala ko parang sumasakit na naman yung panga ko e. Halos sinangkal ko na yung panga ko kasi nangangalay nako e. Ayus naman ang kinalabasan, bugbog lang yung panga ko. hehehe... Paguwi ko, parang gelatin yung nguso ko kasi nagmamanhid. Sabi ni dok wag ko daw paglalaruan yung nguso ko kasi masarap daw laruin... true enough... pero hindi ako nagpatukso. Hehehe... Nung nawala na yung epekto ng anesthesia... AAAAAAGUUUUUUYYYY!!! Grabe parang isang bagsakan biglang lahat ng masakit sa mukha ko sumakit - panga, baba, gilagid, pisngi, ulo... sabay-sabay! Kaya pala binigyan din ako ng pain reliever bukod sa antibiotic. Buti nalang! Whew...



Friday, March 4, 2011
Tambay time with Sitel dabarkads. Masaya kasi pinilit namin mag-coffee tambay... 'alang nangyari! Di rin nakapigil at talagang bumanat pa ng inuman sa G8 restobar. Astig din naman kasi kakilala pala namin yung singer nung band. At naki-jamming pa kami. hehehe... Memorable 'yung taxi na sinakyan ko kasi calibrated na daw at Php40.00 na ang flagdown, tapos Php4.50 bawat patak. Whoah! Sakit sa ulo!!! Kala ko sa probinsya ako bumiyahe mula Sta. Mesa hanggang Eastwood City sa mahal ng pamasahe!!! Tingin ako ng tingin sa metro habang bumabiyahe kasi nagugulat ako sa bilis ng takbo e. Parang nauuna pa samin yung metro. Hahahaha!!! Madami din mga kuwento at updates from friends.



Saturday, March 5, 2011
Happy 1st year anniversary samin ni lablab! Sinundo ko siya sa work niya sa Makati tapos nag-dinner kami. nakita namin si Heart Evangelista at Daniel Matsunaga at pati si Katya Santos sa Greenbelt. Ganda ni Katya. Hindi din naman pala siya mataba. Hehehe...
We had a really fun dinner and it was memorable for me. Kasi dun din dati 'yung first dinner namin na nag-enjoy ako ng sobra. Ü
I love you so much my lablab!!!



Monday, March 7, 2011
Needed to cancel an appointment with the derma. Nagpa-schedule kasi yung mga kapatid ni lablab pero for Tuesday, eh start ng Dreamweaver class ko na yun. So I had to cancel the derma appointment a day before. Kino-kontak ko yun nung weekend pero hindi ko makontak. Parang ayaw magpatawag. As in walang sumasagot. Eh nagagalit si lablab kasi dapat nung Friday ko pa daw ginawa. Forfeited daw kasi kapag hindi ako nakapag-cancel. Eh sa takot ko din kay lablab, nataranta tuloy ako. So I have planned to go to the derma clinic nalang if I won't be able to contact them. Nyak! Pagtawag ko hindi pa nga nagri-ring biglang may sumagot na. Hahahaha! Suwerte! So ginawa ko nagpunta nalang ako dun sa gym na malapit dito at nagpa-member ako. Pero hindi pa'ko nag-start. Since naka-japorms na din ako, I thought of saking my GBF to meet up with me sana. Nag-text ako pero walang sagot... Hmmm... Sige, ibang tao nalang. Good thing available naman ang friend kong teacher, so sabi niya sige daw, at tulungan ko siya mag-check ng papers. Nakipagkita nalang ako sa Gateway, Coffe Bean and Tea Leaf (kelangan talaga kumpletuhin ang pangalan ng kapihan). Habang nag-aantay biglang nag-text si GBF na naiwan niya daw pala yung cellphone niya kaya hindi agad siya naka-reply. Oh well, maybe next time nalang. So medyo matagal dumating si teacher, nagdaldalan muna kami ni GBF sa phone. Andaming kuwento din. Grabe. Nung dumating si teacher, andami niya ding kuwento! Hahaha... sa sobrang dami niyang kuwento, naaliw na siya at hindi na kami nagcheck ng papers niya. Hehehe... so uwian na kami, pero we had dinner muna.


Tuesday, March 8, 2011

Dreamweaver Class!!! So excited to go to class and learn!!!...

Ang pangit lang dun eh nag-cancel na naman ng isang araw kasi daw may "emergency" meeting ang instructor at kailangan daw siya dun sa office niya. Biruin mo nataranta pa ko sa pag-cancel ng derma appointment tapos hindi din naman pala ako matutuloy sa klase... Delays, delays, delays...

I have two words for you: Bwi Set!

And so, since rest day din naman ni lablab, naisip niya nalang na magpunta sa Bioessence at magpa-masahe... at mag-sauna! So kasama namin yung bestfriend ni lablab, nagpunta kami sa Bioessence West Avenue. Good thing we have vouchers at nagamit namin, nakatipid pa. De-stressed and detoxified!!! Sarap ng sauna! Grabe yung pawis ko literal na pool of sweat! Tapos nung masahe na, grabe, buong katawan ang sarap! Grabe... been holding back for this for a long time kasi natatakot ako sa injury ko but now I just didn't mind anything. It was all good! Sabay kain ng buffet sa Kowloon House at take home ng siopao. Good times! Enjoy ng sobra at talaga namang masarap pala ang magpamasahe. Sabi ng taga Bioessence at least once a week daw... We'll look into that... hehehehe...


Wednesday, March 9, 2011
Japan was struck with an earthquake, which is a foreshock to the most horrible (so far) natural disaster in history. Naisip ko na na may posibleng susunod pa na mga lindol pagtapos nito at posible pang sunod-sunod... Prior to this was Christchurch, NZ having a horrible disaster, too. Well, magkakalapit lang naman, so why not worry kung pati dito sa Pilipinas pwedeng mangyari yun... hay... I started praying so hard for their safety since then. I love Japan and I've been dreaming for a long time to visit the country. GOD BLESS JAPAN...



Thursday, March 10, 2011
Sa wakas!!! Nag-start na din ang klase namin!!! Woohoo!!!... Pero wala namang kwenta... Alas y Sais ang umpisa ng klase namin, Alas y Sinco dumating ang instructor. Hindi naman siya nagturo talaga. Parang nagkwento lang siya at hindi namin agad inumpisahan ang paggawa ng website. Sumakit pa nga ang ulo ko ng makita ko yung manual namin. Napakanipis! Parang "follow me" lang yung manual. Naisip ko sayang lang ang ibinayad namin... 'yun pa naman ang pinakamahal dun sa tatlong classes na kasama sa package. Oh well, andyan na. Sabi ko tatapusin ko nalang ang I'll make good use of my resources nalang to learn and practice more. Pakiramdam ko talaga... hay... dibale na nga lang. Basta think positive and look forward to learn more and be more. Mas na-excite ako sa Flash tuloy. 'Yun ang next namin na klase... Good luck nalang sa Dreamweaver...



Friday, March 11, 2011
Early morning woke me with a very shocking and saddening news... Japan was struck again with a stronger earthquake after last Wednesday's creating a disastrous tsunami that swallowed the whole east coast of Japan, claiming almost thousands of lives... Heartbreaking... God Bless Japan...


Met up with my teacher friend, her friend, and lablab for a buffet dinner at Dads Glorietta. Good fun as it was a night discussing about Web designing and what important things to learn when it comes to really dealing with websites and web design itself. I learned that there have been really a lot of ways to create and design a website. At nalaman ko din na Visual Studio is one of the necessities when it comes to creating websites. Eh dati ko nang kinakalikot yung Visual Studio nung nag-aaral pa ko ng Visual Basic 6 e... Anak ng pating! At ang VB.net ay naiiba sa VB6, pero may pagkapareho din kahit papano. So parang lalo ako na-excite sa pag-aaral. Ü
It was a good dinner kasi puro Japanese cuisine ang nakain namin. Pero bumanat pa din kami ng Filipino cuisines. Nyehehehe... palalagpasin ko ba naman ang Lechon Kawali at Kare-kare? Hehehehe... Sarap!


Saturday, March 12, 2011
It's the day of Ze Muzikal!!! Met up with my GBF kasi eto na yung araw na punta kami sa CCP to watch Zsa Zsa Zaturnnah Ze Muzikal!!! Woohoo!!! Ang saya! Nagkita kami sa SM Makati at dumiretso na agad sa CCP. Balak sana namin na dumaan pa kay lablab sa work niya kaso kasi late na din at ang grabe ng traffic. Parang lahat ata ng tao nasa lansangan. Matrapik daw sa EDSA kaya naisip ko na mag-LRT2 at MRT nalang para madali makapunta sa Makati. In fairness, tama naman ang ginawa ko. Ang mali lang ay ang pakikipagsapalaran sa MRT. Grabe talaga ang mga tao. Parang kelangan talaga nilang ipagsiksikan ang kanilang mga sarili sa loob ng a la lata ng sardinas na tren! Talagang nanalangin at humingi nalang ako ng tulong sa Panginoon na bigyan pa ko ng pasensya at baka makapanakit na talaga ako e. Meron talagang mga taong walang pakialam o talagang mang-mang lang. Hay...
Anyway, enough of the irritating part... On to the fun part! So nung nagkita na kami ni GBF, sakay na nga kami ng taxi agad at bumiyahe na. Grabe nga ang trapik at talagang nakakapang-init din ng ulo. Buti nalang at madaldal si GBF at talaga namang nakapagpalipas ng gigil sa trapik. Akala namin hindi kami darating sa oras, buti nalang naisip namin talaga bumiyahe ng maaga. Dumating kami doon ng gutom, kaya napilitan kami na mag-snacks muna. Dun nalang kami sa Harbour Park ba yun, yung sa tabi lang din ng CCP. Wala na kaming ibang naisipang puntahan kundi Iceberg's kasi puno na lahat. Ayaw naman namin mag-KFC or Jollibee kasi kaka-umay na yun. Puro short order lang ang kinain namin at pagtapos punta na kami sa CCP. Pagdating namin dun eh di pumuwesto na kami sa mga upuan namin. Nagulat lang kami kasi akala namin medyo malayo-layo ang seats namin... potek sa harap na harap pala. Hahaha... Hindi pa agad nagumpisa yung play, medyo delayed siya ng 15 minutes or so. Astig 'yung opening. Akala ko nung una simpleng-simple lang... biglang nung nahulog yung curtains, bigla ring pinadaan sa ibabaw naming lahat papunta sa likod ng tanghalan. Grabe... sunod-sunod na... sunod-sunod na katatawanan!!! Sobrang galing ni Eula Valdez at ni Pinky Amador. Pati yung nag-portray ng Didi, ang galing. Lahat sila actually magaling kasi walang sumasapaw sa mga kanya-kanyang karakter. Kwelang-kwela si Didi, walang rason para hindi ako tumawa kasi talagang ang kulit niya eh. Gusto ko nga ulitin kasi hindi ko na maalala yung mga punchline nila e. Bow ako sa kanila, yun lang! Naluha talaga ako sa kakatawa at sumakit ang ulo ko. Nung matapos yung play, nagutom kami ulit. At dahil wala pa ding ibang mapuntahan, Iceberg's ulit ang pinagsakan namin. Ice cream at chicha ang binanatan namin. At dahil madaldal talaga si GBF, nag-kuwento na naman siya at lumipas ang oras ng hindi namamalayan, hanggang sa nagulat ako na masakit na yung tiyan ko kasi andami ko na palang nakain. Hahahaha!!! Ang mahirap nito yung pag-uwi mo, o di kaya yung mag-isa ka nalang tapos matatawa ka mag-isa kasi maaalala mo yung mga kalokohan dun sa play... Hay... Magmumukha kang baliw... Sabagay, what's new??? =P

No comments:

Post a Comment