Wednesday, February 20, 2013

February 20, 2013 2:14 AM

So it has been a really long time since the last...
I know... Ningas Kugon... Not!

Well, first off there have been a lot of reasons why I was only able to write just now. Pero sabi nga nila, kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan. Sige, tawa...

Anyway, here I am working on a spreadsheet and Excel just decided to hang-up and stop responding. After having an epiphany while taking a shower earlier and staying up late and analyzing and computing... BAM! Excel just added the two words enclosed in a parenthesis beside the file name at the top:

"(Not Responding)"

I hate it when this happens. Well, doesn't any one? When it rains, it pours. It's crunch time and I'm really having a hard time with my work computer, which happens to be slower than God-knows-I-really-can't-come-up-with-anything-slower. It happens all the time. The bosses will ask for a set of data but it will really take a lot of time to retrieve or produce it because of... I don't think I have to say it.

And now it's my computer that's giving me a hard time. Huhuhu... Why can't I and all these unwanted things just get along???

I don't know why, with a really good computer, am I still getting these lags and unresponsiveness. I'm talking about an i3 computer with a 4Gig RAM.

... I'm still unable to continue because it's still crashing...

Well, there's some Windows Update available at the moment, so I'll just let that happen and then go to bed. I'm tired...

Tuesday, February 5, 2013

February 5, 2013 10:45 pm

so i woke up at around 6:30-ish and started with my morning ritual. took me time as usual. went off to work without having breakfast as always. sabay na kami ni lablab na umalis ng bahay. this is where the "haggard"-ness starts. got on the LRT from Pureza to Recto. started walking to Avenida Rizal to take the jeepney ride to Pier 15, Port Area. inaayos yung kalye sa mismong exit ng Recto LRT station, bago makarating ng Avenida Rizal, at obviously ito ang sanhi ng traffic sa lugar na 'yun. hindi naman ako apektado kasi LRT naman ang sinasakyan ko. maaapektuhan nalang ako ng matinding trapik na inaabot ng halos tatlumpung minuto pagsakay ko ng jeep ng Pier 15. dadaanan kasi nito ang Sta. Cruz area papuntang MacArthur Bridge kung saan meron inaayos sa kalye. hindi ko alam kung kalye nga ba ang inaayos o yung estero. basta sobrang sagabal ito sa trapiko at talagang inaabot ng napakatagal bago lagpasan ng lahat ng mga sasakyang dumadaan dito. grabe. na-realize ko na kung hindi nakasalpak ang earphones ko at hindi ako nakikinig ng mga tugstupak-tugs tugs tugs-pak na tugtugin ay malamang sobrang nabagot na talaga ako at namuti na yung mga mata ko. laging ganyan ang trapik nitong mga nakalipas na linggo dahil dun sa inaayos dun sa paanan ng MacArthur Bridge bago makatawid papuntang Post Office. kung dati inaabot ako ng 30-45 minutes na biyahe papuntang Port Area, ngayon halos isang oras mahigit na. anak ng tugs tupak tugs-tugs-tupak naman o!

pagdating ko sa opisina mabuti at halos wala masyadong pressure. so nagawa ko naman ang aking tungkulin ng nasa tamang oras. at hindi sumablay ang system na ginagamit namin para mag-download ng mga data na gagawin kong report. whew! so nagkaroon ako ng panahon para mag-isnack ng tinapay na may itlog at luncheon meat, na may kasabay na kape. pero bago ko nagawa yun, kinailangan ko munang palitan yung basyo ng water dispenser namin kasi wala na itong laman. at biruin mo, talaga naman bumulaga ang maalikabok na kusina sakin. inayos pala yung lababo! kasi sablay yung unang pagkakalagay nung sink dun sa marble slab. nakausli ito na hindi mo pwedeng hawiin yung tubig papunta sa sink. so inayos na yun, pero hindi pa tapos. ang nakakatawa kasi, meron talagang division of labor. iba pa raw yung maglalagay ng grout dun sa paligid nung sink. hanep talaga! pwede naman gamitin yung sink, kaya lang hindi mo pwede paapawin yung tubig kasi lulusot nga yung tubig sa singit dahil walang grout. ewan ko ba... dahil dito, ninamnam ko nalang ang almusal ko na medyo late na din.

may nagpakain kanina sa opisina. sa totoo lang hindi ko alam kung bakit. basta ang alam ko, meron libreng pagkain. hahaha... sinubukan ko rin naman alamin ang dahilan ng handaan. ang sabi ay nakatanggap na daw ng sweldo kaya nagpakain. so, parang napaisip ako kasi baka pag tumanggap ako ng sweldo kailangan ko rin magpakain... ganon?... mukhang masarap yung puto...
pansit, barbecue, puto, at softdrinks... handaan na meryenda namin kanina. naparami ako ng kain, kasi libre. hehehe... bumanat bigla yung isa samin na lalake raw yung baboy nung barbecue. inamoy ko ang sarili ko at sinabi ko na wag siyang magbibiro ng ganun. tawanan silang lahat. sabi ko minsan bubusina naman siya kung meron siyang sasabihin na wala sa hulog. tawanan pa rin sila at sabay sabi sakin seryoso daw siya. nagbiro ako na lalo akong nagagalit. pero pinagpapawisan na siya kasi tawa sila ng tawa. pwede mo pala malaman kung ano ang kasarian ng baboy na kinakain mo sa amoy nito? magaling kung ganun... sabi niya kasi hindi daw kasi ako nag-alaga ng baboy. sabi ko, eh ako nga yung baboy tapos mag-aalaga pa'ko ng baboy? tawanan pa rin sila. akala nila nagpapatawa ako... tama sila... hehehe... so nag-second round ako sa pagkain, at sa pagpunta ko sa kabilang bahagi ng opisina ay naikwento ko ang mga napagtawanan namin tungkol sa amoy nung lalakeng baboy. siyempre pinagtawanan din nila ako, hindi nila alam dinaan ko lang sa daldalan para makakuha ulit ako ng pagkain... buwahahaha!!! nagtagumpay ako sa aking second serving... sobrang nabusog nako. so kinailangan muna maglakad-lakad... napadpad ako sa kabilang opisina at nakita ko na naman yung pagkain... tumalikod agad ako. baka kasi mapakain ulit ako e.

out of the blue, biglaan dumating yung isang taga-kabilang building kung saan meron siyang dalang "pagkakaperahan" daw. trabaho pala para sa OJT namin. parang data encoding lang. pero malamang sa malamang meron syempre syang ilalaan na kapalit na pera sa ipapagawa niya. gusto ko na sana aku-in yung ipapagawa, pero nahiya ako e... yun naman kasing OJT walang sinusuweldo, at yun nalang ang paraan para magkapera siya kahit pano. so hinayaan ko na. pero sa totoo lang matagal ko na gusto kuhain yung trabaho na yun kasi extra income din yun. in fact bigla ko rin naisipan na mag-tanong-tanong sa mga nakakilala ko dun sa bureau kung meron mga nangangailangan ng alipin. hehehe... well, ibig ko lang naman sabihin na kung meron silang mga data encoding jobs na gusto nila ipagawa, i'm willing to do as long as meron itong kapalit na halaga. in short, sideline ba. andami ko sinabi, sideline is what best describes it. buti nalang at lumawak ang network ko nung sumali ako sa Dance Presentation namin nung Christmas Party last year. so nagtanong-tanong ako at sana naman ay meron nga ako makuha. nabanggit ko na din na binebenta ko yung iphone 4s ko. meron naman naging interesado, at inalok na din niya sa mga kakilala niya. sabi ko mag gugustuhin ko sana kung siya nalang ang bumili kasi at least kilala ko siya. anyway, sana nga mabenta na din yung iphone kasi hindi ko naman talaga nagagamit. nai-alok ko na din yung mga binebenta naming goodies na galing sa ComFoods. sana meron din bumili. i really want to open up a bank account na. at sana makabili na din ako ng android tablet. eto na andami ko na naman naiisip... chill lang, utak... isa-isa lang...

i'm really looking forward na magawa ko yung mga gusto ko mangyari...

uy! magandang balita pala! yun daw kontrata namin ay napirmahan na ni depcomm taƱada at kasalukuyang nasa opisina na ni commissioner biazon. sana mapirmahan na yun pagdating niya mula cebu kinabukasan - malamang sa huwebes yun - para pagdating ng biyernes mapa-notaryo na namin at ng mabigay na din namin yung DTR para magka-sweldo na kami by next week. ang saya siguro nun! hay...

natapos ang araw ko sa opisina kausap yung interesado sa pagbili nung iphone. bago kami umuwi, nakausap ko ang mga taga-kabilang opisina at nabanggit kasi na meron palang zumba session sa Port Of Manila tuwing tuesdays and thursdays. akala ko libre, hindi pala. sabi nila, dun nalang daw namin gawin sa office after office hours. sabi ko pwede, kasi meron akong hip hop abs na video na pwede namin sabayan. sana maisakatuparan din yun kasi wala na ako iba maisip na exercise bukod dun. oh well... uwian na!!!

eto na... my ordeal on my way home. grabe din ang trapik sa tapat ng Manila City Hall as usual, pero mas na-doble ang trapik pagdating ulit sa Sta. Cruz. sana matapos na yung inaayos nila dun para mabawasan na yung malubhang trapik...

February 5, 2013 12:15 am

okay, so eto na, ginagawa ko na... matagal ko na din kasi talaga gusto gawin ito, pero dahil makulit ang utak ko at paulit-ulit lang siyang kumakanta sa akin ay naisip ko na din na "what the hell", wala din naman mawawala. baka nga mamaya makatulong pa at mag-improve ang aking "writing skills" o kung anumang "skills" ang meron ako.

mula pa nung isang araw naisip ko kasi na magkaroon ng "diary" kuno, kung saan obviously nakatago yung mga importante or "meaningful" na nangyari sakin sa isang buong araw. mga bagay na hindi mo makakalimutan. mga bagay na "historical". buti nalang at nag-install ako nitong writer app dito sa google chrome ko. pero naisip ko ano naman ang silbi nito kung wala naman ako talaga paggagamitan diba? so sabi ko eto nalang ang gagawin kong "diary" ko. sana lang makayanan niyang magtago ng 330+ na text files...

teka nga pala, ang sabi ko kanina "mga bagay na hindi makakalimutan"... eh bakit kelangan pang isulat kung hindi nga makalimutan, diba? ang sagot ko - EH KASI MAKAKALIMUTIN KA, BULLIT. wala ng iba pang dahilan akong maisip... hehehe...

kanina sa opisina napagusapan namin ang kanya-kanyang pananaw sa kanya-kanyang relihiyon. ay, oo, simula na ito ng pagkuwento ko ng "mga bagay na hindi makakalimutan" na nangyari sakin. so ayun na nga... katoliko, kristiyano, at muslim. nagsimula yun sa usapan kung pano nagsimula ang mundo. ang sakin, bilang isang katoliko, nagsimula ang mundo sa kuwento sa bibliya that GOD created the world in 6 days, adam and eve, etc... pero sabi ko hindi ko pinaghihuwalay ang science and religion. basta alam ko na hanggang ngayon science is proving what's factual and actual, pero hindi pa rin nila masagot ang mystery of life. oo nasasabi nila na through reproduction a human life is made. there's the egg cell and the sperm cell and blah, blah, blah... voila! buntis na si eba at magluluwal ng isang nilalang na kung papalarin ay magpapatuloy sa pagpaparami sa parehong paraan kung pano siya nagawa. natanggap na yun ng sanlibutan, pero hanggang dun nalang. hindi pa rin nila masabi kung pano "nabubuhay". sabi nila dahil sa dugo, sa puso, sa isip, sa utak... ano ba talaga? ang sabi ng iba, meron daw spiritual aspect na kung tawagin ay kaluluwa. dun na pumapasok ang relihiyon. sinabi ko nalang na, basta ang sakin merong isang nilalang na ALMIGHTY above all, na siya ang gumawa sa lahat ng bagay sa mundo. at kinatatakutan ko siya in a way na alam ko na nakikita niya kung ano ang ginagawa ko dito sa mundo at siya lang ang makakapaghusga sakin pagdating sa final judgement.

magkalapit din yung understanding namin ng kristiyano. and surprisingly, may slight similarities din with the muslim. pero hindi mo maiwasan na magkaroon ng "pagyayabang" o 'ika nga e "pride" in your own religion. kagaya ng pagkakataon na sinabi nung muslim na lahat daw nitong nangyayari ngayon ay preview of how our life will be in the after-life, na lahat daw tayo ay meron ng destiny. at meron pa na kung nakagawa ka ng makasalanang buhay sa mundo at malamang ay mapunta ka sa impiyerno ay pwede mong kausapin at turuan ang iyong mga anak na kapag sila ay napunta sa langit ay meron silang privilege na kuhain ka at ilipat mula sa impiyerno papunta sa langit. sabi ko ay parang kapareho nito ang purgatoryo sa katoliko, na kung saan pag namatay ka na ay puwedeng ipagdasal ng mga tao ang mga kasalanan mo na mabawasan para ikaw ay maging karapat-dapat na mapunta sa langit. at meron pa na sa muslim daw ay ang katawang-tao o anumang nilalang ang naririto at nabubuhay sa mundo ay may maliit na porsyento lamang ng kanyang senses, sobrang liit na halos hindi pa ata makakabuo ng 1%. at kapag ito ay sumakabilang-buhay na ay saka lang mabubuo ang senses ng 100%, kung kaya't ang bangkay ng isang nilalang ay sobrang nasasaktan kapag nagalaw mo daw ito. hindi ko alam kung tama ang pagkakaintindi ko, pero i'm doing the best i can to write down kung ano ang sinabi sakin ng muslim at kung pano ko ito naintindihan. hindi naman sa binabalewala ko, pero inuulit ko, ang sakin ay ayos lang kung ano ang pagkakaintindi mo at kung ano ang pananaw mo sa relihiyon mo at nirerespeto ko ito. kumbaga ay kuro-kuro lang, napaguusapan lang. in fact, gusto ko nga na malaman kung papano ang ibang relihiyon bukod sa katoliko.

marami na din daw sikat na katauhang nagko-convert na maging muslim. janet jackson, dalawang anak ni fidel v. ramos, at si ramos pa raw mismo ay mukhang magko-convert na rin daw. ang pinakanagulat ako ay nasabi raw na si michael jackson ay pinapatay ng "the illuminati" dahil sa kanyang pagbabalak na maging muslim. naririnig ko na nga yang illuminati na yan nuon pa at sabi ay isa yang powerful group na nakapagdidikta ng maraming bagay sa mundo. ang sakin lang, sayang si michael jackson... super idol ko yun e.

nabanggit ko din kanina na sobrang natuwa at namangha talaga ako sa kagalingan ni imee marcos sa kanyang pagpapatakbo sa ilocos norte. biruin mo, ito ang kauna-unahang probinsiya sa Pilipinas na ISO certified. sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nun, pero ang alam ko yung ISO certification ay hindi madali. kung sa kumpanya na naghahangad ng ISO certification, it would take the whole company and all of it's employees to participate and make the ISO certification successful. so, in ilocos norte's case, i'm assuming na ang bawat ilocano ay nakilahok at sumunod sa mga patakaran upang maisakatuparan ang sertipikasyon ng ISO. huwow! ang galing!. sobrang galing talaga ng mga marcos. and i'm proud to be an ilocano... biglang nabanggit na sabi-sabi daw si bong-bong marcos ay hindi na tunay na bong-bong marcos... isama mo na si imee, at si imelda... ang totoong bong-bong daw ay masama ang ugali, nakapatay at napatay. humanap ngayon sila ng pinakamalapit na kahawig at siyang ginawang clone at dinikta na maging sa kung sino siya ngayon. si imelda rin daw ay matagal ng patay at ang nakikita nating nagpapanggap bilang imelda ngayon ay ang kanyang kapatid. wow p're, bo-malabs ang pan-usaps niyo! dehins ko keri ang mga story-bels na ganetch! pero ang nakakatawa dun, kahit ang mga nakatira sa ilocos at mga loyalista ay sila rin ang nagsasabi na meron ngang ganun na kuwento. oh well, 'yan ang misteryo ng buhay... hehehe...

marami-rami pang tumatakbo sa isipan ko, at alam naman nating lahat that it always happens kung kelan matutulog ka na at gustong gusto mo na talaga magpahinga. isa na namang misteryo ng buhay - ang utak. isa sa mga pinakamakulit dahil hindi ito tumitigil sa pagbulong at pagdikta sa lahat ng ating gagawin.

naisip ko na gumawa ng video blog, where i can express myself. naisip ko din na isa itong paraan para mawala yung mahiyain ko. oo totoo mahiyain ako. grabe ako pagpawisan sa kahit anong bagay na gagawin ko. i guess it boils down to confidence. my self confidence is really very low. mas may confidence pa nga sakin ang ibang tao que sa ako sa sarili ko e. so kung kilala mo ako bilang makulit, madaldal, hyper, at walang hiya, well... natatawa nalang ako 'cus you don't know what's happening inside of me. yung video blog na gagawin ko parang magiging all about me muna - lessons i've learned through life, things i did or would want to discuss, things i wanna share, mga ganun ba. if i do get an audience, then good. i wanna make it famous but not really big. i want a little participation from the audience as well... or i don't know, whatever it will turn into, basta as long as it's me and it's what i want. frustration ko kasi ang maging entertainer, or at least to be on stage, or in media. in fact i was really wanting to take up mass communication or tourism, pero curious din kasi ako sa science. andami kong gustong gawin palagi, that i end up doing nothing at all. anyway, i really want to make things happen this time. this year, i will make things happen. lahat ng naiisip ko gagawin ko. carpe diem!