Tuesday, February 22, 2011

Earthquake!

An earthquake hits Manila and QC at 4 & 3 intensities respectively. Christchurch, NZ was also hit with a higher intensity, not sure of the figure though. 'Yan ang bumulaga sakin pagkagising ko today. 11 am na??? Sheesh...

May maganda pa din namang balita... Apart from being able to wake up for another day and finding my lablab beside me (thank you, Lord!), my GBF (that's Girl BestFriend for you) is treating me on the 12th of March for the Zsa Zsa Zaturnah Ze Muzikal! Yay! Ü.

More blog later... As for now, I'll do my usual morning(?) rituals and grab lunch... I think my lablab's already awake...

Tuesday, February 15, 2011

Happy Heart's Day!!!

Oh what a Monday! It's Valentine's Day and it's also my first day in school. Well, hindi naman talaga school as in "school", kasi short course lang naman.
Anyways, let me recall what happened the whole weekend including Friday...

Friday, February 11
Started the day kinda late. We woke up around 10-ish and left the house after lunch. Nakakatawa kasi sobrang mga wala kami sa sarili ni lablab and we're like dragging ourselves to cubao. Mag-e-enrol ako for the web designer short course atsaka ipapasa na 'yung documents needed for the name change request sa SSS ko. Nakakatawa ulit kasi pagsakay namin ng pedicab, nakarating na kami sa LRT terminal saka ko lang naisip na wala sa bulsa ko yung wallet ko na pinaglagyan ng tuition fee. Ayus. Balik ulit ako. Ako lang kasi sayang naman ang pamasahe. Tanga lang talaga e... Tarantadong wala sa isip. Hehehe. Fast forward - napasa na namin lahat sa SSS at nakapagbayad na din si lablab ng contribution niya for continuity, in case na mangailangan bigla ng benepisyo. So tapos na ang SSS... YEHEY!
Nagpa-picture ako ng 1x1 requirement para sa enrolment. Dun sa photo studio, wala sa huwisyo yung nag-attend sa'men. Sabi pasok na daw kami dun sa studio kasi kukunan na daw ako... After 15 minutes hindi pa din dumarating yung photographer... Hello? Eh siya din pala ang kukuha, nakalimutan niya pala kami. Kung hindi pa pinuntahan ni lablab malamang walang nangyari. Iniwan na muna namin at sabi balikan daw after 30 minutes. Naisip ko na mag-enrol nako at sabihin na "to follow" nalang ID pic. Puwede! Medyo natagalan din sa enrolment and registration kasi hindi ata alam ni ate ang ginagawa niya. Okay lang... No pressure, hindi naman kami gutom ni lablab eh. Pagkatapos ng enrolment, deretso na kami sa photo studio to claim the pic. Kaloka si ate, kasi mali ang na-print niya. Lahat 2x2, eh ang package namin dalawang 2x2 at apat na 1x1. Magpi-print nalang daw ng tama. Sabi ko gawin nalang na anim na 1x1 kasi hindi ko na kelangan ng 2x2. Kamalas-malasan at dahil bangag nga si ate, mali na naman. Sabi ko sige check lang... Hiningan nalang kami ng 6 pesos para ibigay niya nalang daw lahat ng na-print niya. Sakit sa patilya ni ate! Hay... Fast forward - niyaya namin manuod 'yung friend kong teacher. Ayaw daw niya mag-isip habang nanunuod kaya ang pinanuod namin ay "My Valentine Girls" instead of "Sanctum". Okay lang kasi sobrang kulit ni Uge (Eugene Domingo). Hagalpak ako sa tawa! Natapunan lang naman ako ng burger sauce na napaka-juicy at nangamoy sibuyas tuloy yung pantalon ko at kamay. Wahaw... Hanggang pag-uwi hindi na nawala. Amuy Ahmad Akhmed Abubakkar. Iniligo ko nalang. Sabay tulog. Yeba.

Saturday, February 12
Can't recall much of what happened... Ay kasi pala late na naman kami gumising... Hahaha! We watched the volleyball game sa studio 23. Tapos dumating 'yun friend ni imee. Nanuod din kami ng Shake, Rattle & Roll
XII... FLOP... As in. Sayang lang talaga. Buti nalang sa DVD lang namin pinanuod. Fast forward - nagkayayaan lumabas and we three had a late night dinner at Shakey's Morato. Dapat sa Off The Grill, pero jam-packed. Nakauwi na kami ng 2 am. Busog!!!

Sunday, February 13
Monumental day. ADU vs ADMU and the main event UST vs DLSU ng UAAP Women's Volleyball sa studio 23. Huwattagame!!! ADU won against ADMU... and DLSU against UST!!! Waaaaaaahhh! Grabe... It was a thrilling, action-packed 5 setter for the main event. Sobrang broken-hearted ako nung natalo ang UST. I know UST did their best... But it just wasn't enough. Another game for them to look back into and learn to do more. Oh well, it was a great fight. Standings lang naman e. So final four pa din naman sila. Kitakits nalang. I'm sure UST will roar back to keep the Champioship title. Ü

GMA 7 also showcased one of the most talented young singer na sobrang maipagmamalaki ng buong Pilipinas - Charice. She did a great job entertaining the audience and putting down the original singers of the songs she sang sa pre-valentine concert niya. Walang sinabi si Beyonce sa version ni Charice ng "Listen". Kumbaga eh sinira niya yung original singer nung mga kanta eh. Grabe talaga. Bow ako kay Charice and she makes me proud to be a Filipino. All you Charice haters go to hell! Ü.
We also saw "The Green Hornet" sa DVD. Dala ng mommy ni lablab. Well, technically mukhang ako lang naman ang nanunuod kasi lahat sila busy sa kanya-kanyang mga laptop. I enjoyed the movie. Parang hindi siya masaya sa trailers nung movie, pero maganda naman pala. Ü. I thought I should've gone to bed early kasi may pasok nako the next day, but I failed. Hindi ako makatulog! Sobrang affected ako sa pagkatalo ng USTE. Kuha na sana kasi eh... Nagpabaya lang talaga... Hay...

Monday, February 14
Happy Valentine's Day!... Past 1 am na hindi pa'ko natutulog... Hay nako, USTE!!! Kelangan niyo makuha ang championship!!! I believe in you!... Hay... Zzzzzz...

Fast forward - 10:15 am na... Rise and shine Bullit, you're going to school! Excited, eh ala una pa ng hapon ang klase e?... Oh well, might as well take a bath. Naka-alis na din si lablab papuntang work. First day niya din eh.

11:15 am
"Pasok nako! Ü. Mwah!"
"Aga ah,excited lablab ko?hehe...nagkaen kb?"
"Hindi ako kumain. Lrt na. Ü"
"E baket nde,magugutom ka nyan.kaen ka muna bgo start ng class,aga pa naman e."
"Eto na po nasa mcdo, cheeseburger! Hehehe."

'Yan ang textan namin ni lablab. Madali naman ako kausap eh... Hehehe... Kain agad. Na-realize ko kasi na maaga pa nga. Excited lang talaga ako sa school. Andaming tao sa Araneta Center. Parang lahat ata ng tao sa Pilipinas nandun. Parang hindi naman ako apektado masyado kasi naiisip ko nga 'yung klase ko. Dumating ako sa training center ng 12:02 pm. Nagbayad ng initial payment, at ipinasa 'yung pamatay ng daga na 1x1 ID photo. Nagantay ng konti, kasi natapos akong asikasuhin ng registrar bandang 12:30 pm na. Maaga pa daw kaya antay-antay lang muna bago pumunta sa classroom. Fast forward - enjoy din naman pala ang photoshop. Natawa lang ako sa banat ng instructor kasi... Basta. Kung nabasa niyo na ang mga naunang libro ni Bob Ong, siguro yung instructor namin ay si Guchiriz. Basta 'yun na 'yun! Hindi ko na nga pinansin kasi baka mapahiya ako eh. Hinayaan ko nalang at nag-concentrate nalang ako na matutunan ang Photoshop. Fast forward ulit - diyaskeng dami ng tao talaga sa Araneta Center! Lahat ng tindahan ng bulaklak dinumog! Hindi na'ko nakabili ng flowers para kay lablab kasi matatagalan, dumaan nalang ako sa Goldilock's at bumili ng heart-shaped na cake. Pagkabili, uwi agad. Kinabahan ako kasi baka bulatlatin ng sikyu sa LRT 'yung cake. Buti mabait si manong at sinilip lang sa pamamagitan ng pag-angat ng konti 'yung takip nung cake. Hay salamat! Nauna ako dumating kesa kay lablab sa bahay. Pagdating niya may dala siyang ulam, inihaw na bangus! Sarap! Kumain ako ng naka-kamay lang, habang pinanunuod ang "Tangled". Maganda 'yung pelikula. Very touching. Ganun din 'yung kamay ko pagkatapos kumain. Amuy toyomansi, sibuyas, isdang inihaw (penge pa ngang kanin)... Natuwa naman si lablab sa cake, at pinagyabang niya sa friend niyang dumating na nanghiram ulit ng libro ni Bob Ong. Natuwa kasi. Hehehe. Hiniwaan na rin namin 'yung cake matapos kunan ng litrato at i-post sa facebook. Antamiiiiis! Ü

Friday, February 11, 2011

"Dalaw"

Oo, yung pelikula ni Kris Aquino. Pinanuod namin kanina, habang nagahapunan kami. Okay lang. Dinadaan sa lakas ng sounds yung scare factor, as usual. It has it's scary moments, pero iba ang dinulot ng mga nauna niyang horror movies.

Before that, wala naman akong ginawa buong araw kundi matulog (spell "batugan"). Nagpunta si lablab sa Makati, appointment with a job offer from a waxing salon nung umaga, at inabot na siya ng hanggang bandang alas singko. Wow, imagine-in mo na natutulog ako hanggang sa pagdating niya... Wow... Wow talaga... Well nagising-gising din naman ako at nag-try na tapusin yung mga dina-download ko na movies sa laptop ni lablab, pero olats, ambagal ng takbo nung internet. Dun lang sa laptop. Mukhang may virus. Eventually, nalaman ko na may trojan ang laptop after doing some research. At ang paraan lang para matanggal siya ay i-update yung antivirus. May McAfee pero outdated na at tapos na yung free trial. Nasabi ko na kay lablab at naiisip na din naman naming palitan na yung laptop kasi kelangan na din ng mas powerful na computer kasi palagi ko na magagamit at kakailanganin ang computer. Pero siguro laptop pa din ang ipapalit, pero yung mas mataas na specs, hindi na notebook.

Ang sabi namin ni lablab early to bed kami tonight para early to rise tomorrow. Pero medyo napasarap ang heart to heart talk namin ngayon... Nag-enjoy ako and I was able to tell her some things na hindi ko masabi nuon. It felt great. "I feel the love!" kumbaga. Ü.

Matuloy kaya ang Hot Air Balloon Fiesta adventure namin?... Sana namaaaaaaaannn... *sigh*

Thursday, February 10, 2011

Anak ng Arachnophobia naman o!

Ayan na nga... Ang isa sa mga hindi ko nailathala kanina dito ay ang tungkol sa tarantula na naging dahilan para maging sobrang "praning" ako kanina. I am a self-confessed paranoidal arachnophobic. Wala nakong ibang maisip na mga salita para lang maisip ninyo kung gaano ako ka-duwag pagdating sa mga gagamba. Hindi ko kasi alam kung bakit ipinagbawal na maglaro kami ng labanan ng mga gagamba nung mga bata kami. Hit na hit pa naman nuon 'yung sabungan ng mga gagamba. Para kang nanunuod dati ng Ultimate Fighting Championship ng mga gagamba pagdating ng hapon pagkatapos ng klase, pagkauwing-pagkauwi naming magkakapatid. Lagi kaming pinapagalitan ng kuya ko ng nanay at lola namin, pero yung pinakamatandang kuya namin deadma lang. May mga iba't-ibang gagamba siyang alaga nuon. Nakuwento pa nga niya nung minsan na ginago niya yung isa naming kapitbahay.

Pinagyayabang daw kasi 'yung mamahalin nilang gagamba na napakatapang at madami na daw natalo at napatay. Nakipaglaban ang kuya ko at sinabi niya na "gagambang pitik" lang daw ang ipanglalaban niya sa mamahaling "champion gagamba" nila. Siyempre pumayag sila kasi alam nilang walang pa-nama 'yung gagamba ng kuya ko. So eto na, harapan na daw ng gagamba. Nilabas at pinatulay na sa barbecue stick ng kapitbahay namin 'yung "champion gagamba" niya. Ang yabang, hyper masyado at talagang kitang-kita mo na mamahalin. "Asan na 'yung gagambang pitik mo?", sabi sa kuya ko. "Sandali lang, nagpapa-init pa sa kahon ng posporo eh. Teka lang, ha.", sagot niya. Paglipas ng mga sampung segundo, "O, eto na. Lapit mo na dito 'yung stick, dali!". Paglapit ng stick, dahan-dahang nilapit ng kuya ko 'yung nakasaradong kamay niya na kunwari may tinatagong gagamba, sabay pitik ng napakalakas sa "champion gagamba" ng kapitbahay namin... Halos isang minutong katahimikan... Sabay hagulgol ng iyak si kumag. "Huwaaaaaah! Susumbong kita sa tatay ko! Hindi ka na makakalaro ng Atari sa'men! Waaaaaaaaaah! *hikbi!*". Gago talaga 'yung kuya ko na 'yun eh. Sutil.

Mabalik tayo sa tarantula. Kasi, 'yung tito ng lablab ko may alagang mga gagamba. At hindi ito basta-bastang mga gagamba --- Tarantula, iba't-ibang uri ng tarantula. Well, exaggerated ako kasi dalawa lang naman ang nakita ko. Ibinaba niya ito at ni-showcase sa garahe. Wow... Nakihalo pa 'yung kapatid ni lablab na talaga namang walang takot. Hinahawakan nila at sinasabi na hindi naman daw nangangagat unless provoked. Antayin pa nating ma-provoke, 'diba? So ayan, mddyo napapraning nako kasi alam ko merong gagamba diyan lang sa tabi-tabi. Eh nagbibiro sila na ilalapit daw kay lablab ang gagamba. Hala! Eto namang si lablab itinuro ako, kahit na alam niyang takot na takot ako. Sige, e 'di nilapitan ko nalang siya, sabi ko subukan lang nila at talagang makakakita sila ng bangkay (ako 'yung bangkay kasi namatay na'ko sa takot). Grabe talaga as in nagpa-palpitate ako. Snubukan kong magmatapang at kunan ng litrato 'yung gagamba habang nasa kamay nung kapatid ni lablab, successful naman pero nagmukha akong gagong nagtatatakbo palayo nung nakita kong umangat yung two front feet nung gagamba habang nakaharap sa'kin. Pawis na pawis ako, as in butil ng pawis talaga. Naalala ko na hindi pa pala ko nakakinom ng maintenance ko for my hypertension at multivitamins at sakto din na pinapakuha ni lablab 'yung SLR camera kasi gusto daw nila makunan ng mas malapitan 'yung gagamba, pumunta ako sa kwarto namin para kunin zng mga gamot ko at 'yung camera. Hindi mawala sa isip ko 'yung gagamba at sobrang praning ko pa talaga habang kinukuha ko 'yung kamera at gamot.

"WAH! Hahaha!"
"AY! P*%#$? MO!"
"Hahaha! Nagulat ka? Hahaha..."

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni lablab at ginulat niya ako paglabas ko ng kuwarto. Pakiramdam ko nailuwa ko 'yung buong laman loob ko at naghanap na ng bagong katawan 'yung kaluluwa ko sa sobrang gulat e. Ramdam ko na sa buong katawan ko 'yung takot ko. Gusto ko na magalit talaga, pero naisip ko na 'wag nalang baka kasi ano pa masabi o magawa ko. Nag-relax nalang ako.

"Nagulat ka ba?"
"Hindi naman... " (sarcastic, akmang pikon na)
"Heheheh... Okay lang 'yan..."
"Hindi pa'ko nakakainom ng gamot eh..."
"Ha? Aaaa, eh... Okay lang 'yan..." (tonong kabado)
"Tingnan mo..." (pinahawak ko 'yung dibdib ko)
"Aaa... Okay lang 'yan. Inum ka na ng gamot. Practice lang 'yun, practice..." (hindi tumitingin sa mata ko)

Kitang-kita ko 'yung takot ni lablab at hindi niya ako tinabihan muna sa upuan kasi talagang namutla ata ako. Natatawa ako na naiinis, pero hinayaan ko nalang. Hehehe... Okay lang naman ako e. Hindi talaga ako galit. Nabigla at natakot lang talaga ako sa naramdaman kong gulat.

Nako, inabot na naman ako ng dis-oras dito, madami pang gagawin mamaya. Naaadik na din ba ako sa blog? Siguro... Oh, well. Hanggang sa susunod...

Wednesday, February 9, 2011

Azkals Game... Let's GO TEAM PILIPINAS!

So natapos na yung UAAP Women's Volleyball games kanina. UST and DLSU won over FEU and UP respectively. At nakakain nako ng isaw. Dahil hindi naman ako mahilig sa maanghang, halos naligo ako sa pawis kasi mainit na nga ang panahon, maanghang pa yung sawsawan nung barbecue. Whew! (Ay syeht! Kelangan ko pala magtoast ng bread! Teka lang...)

Whew! Buti nalang umabot yung garlic bread!

Naliligo kasi kanina si lablab habang nagsasalitype ako dito. Eh dapat pala nagto-toast nako nung garlic bread, nawala sa isip ko. Kumain na din kami pagtapos ni lablab maligo. Macaroni pasta and garlic bread.

Anyway, so gusto ko ang sabihin na nabubuwisit ako sa laro ng UST kanina. Parang napaka-kampante nila maglaro, kairita. Parang akala mo mga champion na sila at may mga kapangyarihan na mananalo sila kahit na hindi gumawa ng effort. Nakakainiiiiiiiis! (Ang puso mo Bullit, ang puso mo...)

Game ng Azkals nga pala... 1-0, Azkals goal... Still playing @ 88:30 timelength... Nuod muna ako...

Delaying the game...

Napaka-ineeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeet!!!...

So hindi natuloy ang lakad namin today. Kasi naman maganda ang laban sa UAAP Women's Volleyball ngayon... UST vs FEU and UP vs DLSU. Tsaka masakit din ang ulo ko. Naglaba nalang si lablab (syempre tutulong din ako). Nakakatawa kanina nanunuod kami ng Pinoy Henyo sa Eat Bulaga! kanina, grabe ang kulit nung isang pair. Tawa kami ng tawa atsaka nanggigigil kasi sinigang na hipon yung word, nung sinabi nyang "may sabaw? sinigang?", syempre "OO!" agad ang sabi ng partner niya. Lahat na ng sinigang nabanggit na niya, pinakahuli pa yung sinigang na hipon at 3 seconds nalang ang natitira. Nakuha din nila yung jackpot. Whew!
Watching the game now @ Studio 23... Mamaya nalang ulit... Parang masarap kumain ng barbecue... Makabili nga mamaya...

Anong oras naaaaa!?!?!

Anak naman ng pitong gatang! Wala, late din ako nagising. Bahala na kung ano maabutan. Liligo na din ako. Madaliang kilusan... Hahaha! Patawa... Palabas pa naman mamaya sa channel 23 ang UAAP Women's Volleyball ng alas dos. Zombiiiiiiiieee!!!

Ang hirap kasi bumangon... Parang hindi ko na kaya ang gawain ko dati na ilang oras lang ang tulog pero gising na gising... Sabay bawi pag tapos na ang lahat. Isa lang ang ibig sabihin nun, tumatanda na talaga ako. Wehehehe..

Zombie...?

Alas siyete na ng umaga... Di ako nakatulog mula nung huli kong entry
dito... Adik lang? Malamang... Naadik ako sa paghanap ng widgets at
pagkalikot ng N8 ko. Good luck nalang mamaya sa lakad. Idlip ako kung
makakayanan pa...

Not the first time...

This is not my first time having a blog. Dati nako nakagawa ng account pero lagi ko nakakalimutan ang login details ko. Siguro pangatlo ko nang account ito. Bago ang lahat, kaya ako gumawa ulit ng blog kasi nabigyan ako ng inspirasyon ng mga libro ni Bob Ong (ang mga kaibigan ni mama susan) at Anne Frank (The Diary of Anne Frank). Nakaka-aliw kasi na naikukuwento mo ang mga pangyayari sa buhay mo at puwede mo itong mabalikan. Isa na din siguro kasi alam ko na mahina ang memorya ko sa mga bagay-bagay. Para akong may dementia. Feeling ko nga na talagang sakit ko na siya at kelangan kong magpatingin sa espesiyalista. Pakiusap ko lang pala na kung mababasa mo ang blog ko na ito, nais ko lang ipaalam na parang ”journal” ang nais kong palabasin dito. Anuman ang hindi mo magustuhan ay hindi ko rin naman ipipilit. Basta, ”to each his own” 'ika nga. Kaya mag-enjoy ka nalang sa mga mababasa mo at isipin mo nalng na talagang kalog lang ako. Hehehe...

Hindi ako magaling sa kahit anumang bagay, pero napakalupit kong kritiko. Minsan pakiramdam ko masyado nakong nakikialam sa lahat ng bagay. Dati wala akong takot sa pagsalita ng kung ano man ang mapuna ko. Taklesa ba. Kahit naman ngayon hindi ko pa rin maiwasan, pero mahinay na ngayon. Teka, ano nga ba ang nangyari sa araw ko ngayon? Hmmm... Pasado alas dos na ng madaling araw e... Ang pinaka highlight ng araw ko kanina ay ang pagsubaybay sa headlines na nagpakmatay si ex Gen. Angelo Reyes, at ang pagpapa-notaryo ng affidavit ko na gagamitin sa pag-ayos ko ng SSS membership ko. Mamaya nalang ako sagaran magkukuwento.





Ang iingay ng mga daga sa kisame... Dapat ng gawan ng paraan para manahimik na sila... Gawan ko kaya ng chismis at idawit ko ang buong pamilya nila hanggang sa mabuwisit at magpakamatay?... Antok nako, dami pang gagawin mamaya, aga pa gising...