This is not my first time having a blog. Dati nako nakagawa ng account pero lagi ko nakakalimutan ang login details ko. Siguro pangatlo ko nang account ito. Bago ang lahat, kaya ako gumawa ulit ng blog kasi nabigyan ako ng inspirasyon ng mga libro ni Bob Ong (ang mga kaibigan ni mama susan) at Anne Frank (The Diary of Anne Frank). Nakaka-aliw kasi na naikukuwento mo ang mga pangyayari sa buhay mo at puwede mo itong mabalikan. Isa na din siguro kasi alam ko na mahina ang memorya ko sa mga bagay-bagay. Para akong may dementia. Feeling ko nga na talagang sakit ko na siya at kelangan kong magpatingin sa espesiyalista. Pakiusap ko lang pala na kung mababasa mo ang blog ko na ito, nais ko lang ipaalam na parang ”journal” ang nais kong palabasin dito. Anuman ang hindi mo magustuhan ay hindi ko rin naman ipipilit. Basta, ”to each his own” 'ika nga. Kaya mag-enjoy ka nalang sa mga mababasa mo at isipin mo nalng na talagang kalog lang ako. Hehehe...
Hindi ako magaling sa kahit anumang bagay, pero napakalupit kong kritiko. Minsan pakiramdam ko masyado nakong nakikialam sa lahat ng bagay. Dati wala akong takot sa pagsalita ng kung ano man ang mapuna ko. Taklesa ba. Kahit naman ngayon hindi ko pa rin maiwasan, pero mahinay na ngayon. Teka, ano nga ba ang nangyari sa araw ko ngayon? Hmmm... Pasado alas dos na ng madaling araw e... Ang pinaka highlight ng araw ko kanina ay ang pagsubaybay sa headlines na nagpakmatay si ex Gen. Angelo Reyes, at ang pagpapa-notaryo ng affidavit ko na gagamitin sa pag-ayos ko ng SSS membership ko. Mamaya nalang ako sagaran magkukuwento.
Ang iingay ng mga daga sa kisame... Dapat ng gawan ng paraan para manahimik na sila... Gawan ko kaya ng chismis at idawit ko ang buong pamilya nila hanggang sa mabuwisit at magpakamatay?... Antok nako, dami pang gagawin mamaya, aga pa gising...
Give them a break (daga)! Para nagkakasiyahan lang naman.. Malay mo may birthday! Pag tayo bang mga tao nag iingay, deadma lang sila. Nagtatago pa nga minsan.. Don't get me wrong, ayaw kon din sa kanila. Kaya kayong mga daga wag naman kayong mag feeling.. ;)
ReplyDeletehahaha!!! puwede... pero ilang araw na silang nagpa-party eh... not everyday is christmas... naks!
ReplyDelete