Pinagyayabang daw kasi 'yung mamahalin nilang gagamba na napakatapang at madami na daw natalo at napatay. Nakipaglaban ang kuya ko at sinabi niya na "gagambang pitik" lang daw ang ipanglalaban niya sa mamahaling "champion gagamba" nila. Siyempre pumayag sila kasi alam nilang walang pa-nama 'yung gagamba ng kuya ko. So eto na, harapan na daw ng gagamba. Nilabas at pinatulay na sa barbecue stick ng kapitbahay namin 'yung "champion gagamba" niya. Ang yabang, hyper masyado at talagang kitang-kita mo na mamahalin. "Asan na 'yung gagambang pitik mo?", sabi sa kuya ko. "Sandali lang, nagpapa-init pa sa kahon ng posporo eh. Teka lang, ha.", sagot niya. Paglipas ng mga sampung segundo, "O, eto na. Lapit mo na dito 'yung stick, dali!". Paglapit ng stick, dahan-dahang nilapit ng kuya ko 'yung nakasaradong kamay niya na kunwari may tinatagong gagamba, sabay pitik ng napakalakas sa "champion gagamba" ng kapitbahay namin... Halos isang minutong katahimikan... Sabay hagulgol ng iyak si kumag. "Huwaaaaaah! Susumbong kita sa tatay ko! Hindi ka na makakalaro ng Atari sa'men! Waaaaaaaaaah! *hikbi!*". Gago talaga 'yung kuya ko na 'yun eh. Sutil.
Mabalik tayo sa tarantula. Kasi, 'yung tito ng lablab ko may alagang mga gagamba. At hindi ito basta-bastang mga gagamba --- Tarantula, iba't-ibang uri ng tarantula. Well, exaggerated ako kasi dalawa lang naman ang nakita ko. Ibinaba niya ito at ni-showcase sa garahe. Wow... Nakihalo pa 'yung kapatid ni lablab na talaga namang walang takot. Hinahawakan nila at sinasabi na hindi naman daw nangangagat unless provoked. Antayin pa nating ma-provoke, 'diba? So ayan, mddyo napapraning nako kasi alam ko merong gagamba diyan lang sa tabi-tabi. Eh nagbibiro sila na ilalapit daw kay lablab ang gagamba. Hala! Eto namang si lablab itinuro ako, kahit na alam niyang takot na takot ako. Sige, e 'di nilapitan ko nalang siya, sabi ko subukan lang nila at talagang makakakita sila ng bangkay (ako 'yung bangkay kasi namatay na'ko sa takot). Grabe talaga as in nagpa-palpitate ako. Snubukan kong magmatapang at kunan ng litrato 'yung gagamba habang nasa kamay nung kapatid ni lablab, successful naman pero nagmukha akong gagong nagtatatakbo palayo nung nakita kong umangat yung two front feet nung gagamba habang nakaharap sa'kin. Pawis na pawis ako, as in butil ng pawis talaga. Naalala ko na hindi pa pala ko nakakinom ng maintenance ko for my hypertension at multivitamins at sakto din na pinapakuha ni lablab 'yung SLR camera kasi gusto daw nila makunan ng mas malapitan 'yung gagamba, pumunta ako sa kwarto namin para kunin zng mga gamot ko at 'yung camera. Hindi mawala sa isip ko 'yung gagamba at sobrang praning ko pa talaga habang kinukuha ko 'yung kamera at gamot.
"WAH! Hahaha!"
"AY! P*%#$? MO!"
"Hahaha! Nagulat ka? Hahaha..."
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni lablab at ginulat niya ako paglabas ko ng kuwarto. Pakiramdam ko nailuwa ko 'yung buong laman loob ko at naghanap na ng bagong katawan 'yung kaluluwa ko sa sobrang gulat e. Ramdam ko na sa buong katawan ko 'yung takot ko. Gusto ko na magalit talaga, pero naisip ko na 'wag nalang baka kasi ano pa masabi o magawa ko. Nag-relax nalang ako.
"Nagulat ka ba?"
"Hindi naman... " (sarcastic, akmang pikon na)
"Heheheh... Okay lang 'yan..."
"Hindi pa'ko nakakainom ng gamot eh..."
"Ha? Aaaa, eh... Okay lang 'yan..." (tonong kabado)
"Tingnan mo..." (pinahawak ko 'yung dibdib ko)
"Aaa... Okay lang 'yan. Inum ka na ng gamot. Practice lang 'yun, practice..." (hindi tumitingin sa mata ko)
Kitang-kita ko 'yung takot ni lablab at hindi niya ako tinabihan muna sa upuan kasi talagang namutla ata ako. Natatawa ako na naiinis, pero hinayaan ko nalang. Hehehe... Okay lang naman ako e. Hindi talaga ako galit. Nabigla at natakot lang talaga ako sa naramdaman kong gulat.
Nako, inabot na naman ako ng dis-oras dito, madami pang gagawin mamaya. Naaadik na din ba ako sa blog? Siguro... Oh, well. Hanggang sa susunod...
No comments:
Post a Comment