Ngayon nagising ako kasi nagugutom ako... Tsaka medyo sumakit ang tiyan ko kaya naupo muna ako sa puting trino at kinausap ko muna si Obama. Dumating kami ng bahay mga 7pm na. Pagdating namin hindi ko na napigilan makatulog agad kasi talagang antok na antok nako. Hindi nako nakapag dinner kasi talagang bulagta nako sa kama. Ginising lang ako ninlablab kanina para tanggalan ng shorts at para umayos ng paghiga. Ngayon I am soooo hungry... Pero tiis-tiis muna, kelangan ko makabalik sa pagtulog... Hanapa ako nga pampatulog.. Facebook? Twitter? Wikipedia?... Naisip ko mag-blog nalang... Tagal na din kasi hindi ko ito nagagawa... Ü
Thursday, April 7, 2011
Can't shake it off...
Went to Cubao earlier to pay for our Social Security contribution. Kelangan kasi ipagpatuloy para in case of any emergency pwedeng makahugot sa SSS. Pagkatapos nun, nag-ikot-ikot kami, pero para akong wala sa sarili kasi takagang bangag ako. Sobrang antok kasi 6am nako nakatulog tapos gumising ako ng 12nn. Halos hindi na nga maintindihan mga sinasabi namin ni lablab kasi nga mga pagod at antok pa kami. Sobrang tawa ako ng tawa kasi inaatake ako ng pagka-ututino. Eh ang lakas ng mga utot ko, talagang pinaparamdam ko kay lablab. Nakakatawa kasi I was doing it in public ng patago. Tapos tawa lang kami ng tawa. Si lablab has her own contribution naman, inaatake naman siya ng pagka-bulol atsaka pagmamadali ng pananalita. Sa LRT hindi namin naabutan yung train, sabi niya "... Hindi natin naabon... Naiwal..." (hanggang ngayon natatawa ko magisa pag naaalala ko e). Ang ibig niya raw sabihin ay hindi namin naabutan o nahabol 'yung train, naiwan tuloy kami. Napaghalo-halo niya lahat ng gusto niyang sabihin. Grabe lahat ng tao nakatingin sakin kasi pulang-pula na yung mukha ko kakatawa. Hay...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment