okay, so eto na, ginagawa ko na... matagal ko na din kasi talaga gusto gawin ito, pero dahil makulit ang utak ko at paulit-ulit lang siyang kumakanta sa akin ay naisip ko na din na "what the hell", wala din naman mawawala. baka nga mamaya makatulong pa at mag-improve ang aking "writing skills" o kung anumang "skills" ang meron ako.
mula pa nung isang araw naisip ko kasi na magkaroon ng "diary" kuno, kung saan obviously nakatago yung mga importante or "meaningful" na nangyari sakin sa isang buong araw. mga bagay na hindi mo makakalimutan. mga bagay na "historical". buti nalang at nag-install ako nitong writer app dito sa google chrome ko. pero naisip ko ano naman ang silbi nito kung wala naman ako talaga paggagamitan diba? so sabi ko eto nalang ang gagawin kong "diary" ko. sana lang makayanan niyang magtago ng 330+ na text files...
teka nga pala, ang sabi ko kanina "mga bagay na hindi makakalimutan"... eh bakit kelangan pang isulat kung hindi nga makalimutan, diba? ang sagot ko - EH KASI MAKAKALIMUTIN KA, BULLIT. wala ng iba pang dahilan akong maisip... hehehe...
kanina sa opisina napagusapan namin ang kanya-kanyang pananaw sa kanya-kanyang relihiyon. ay, oo, simula na ito ng pagkuwento ko ng "mga bagay na hindi makakalimutan" na nangyari sakin. so ayun na nga... katoliko, kristiyano, at muslim. nagsimula yun sa usapan kung pano nagsimula ang mundo. ang sakin, bilang isang katoliko, nagsimula ang mundo sa kuwento sa bibliya that GOD created the world in 6 days, adam and eve, etc... pero sabi ko hindi ko pinaghihuwalay ang science and religion. basta alam ko na hanggang ngayon science is proving what's factual and actual, pero hindi pa rin nila masagot ang mystery of life. oo nasasabi nila na through reproduction a human life is made. there's the egg cell and the sperm cell and blah, blah, blah... voila! buntis na si eba at magluluwal ng isang nilalang na kung papalarin ay magpapatuloy sa pagpaparami sa parehong paraan kung pano siya nagawa. natanggap na yun ng sanlibutan, pero hanggang dun nalang. hindi pa rin nila masabi kung pano "nabubuhay". sabi nila dahil sa dugo, sa puso, sa isip, sa utak... ano ba talaga? ang sabi ng iba, meron daw spiritual aspect na kung tawagin ay kaluluwa. dun na pumapasok ang relihiyon. sinabi ko nalang na, basta ang sakin merong isang nilalang na ALMIGHTY above all, na siya ang gumawa sa lahat ng bagay sa mundo. at kinatatakutan ko siya in a way na alam ko na nakikita niya kung ano ang ginagawa ko dito sa mundo at siya lang ang makakapaghusga sakin pagdating sa final judgement.
magkalapit din yung understanding namin ng kristiyano. and surprisingly, may slight similarities din with the muslim. pero hindi mo maiwasan na magkaroon ng "pagyayabang" o 'ika nga e "pride" in your own religion. kagaya ng pagkakataon na sinabi nung muslim na lahat daw nitong nangyayari ngayon ay preview of how our life will be in the after-life, na lahat daw tayo ay meron ng destiny. at meron pa na kung nakagawa ka ng makasalanang buhay sa mundo at malamang ay mapunta ka sa impiyerno ay pwede mong kausapin at turuan ang iyong mga anak na kapag sila ay napunta sa langit ay meron silang privilege na kuhain ka at ilipat mula sa impiyerno papunta sa langit. sabi ko ay parang kapareho nito ang purgatoryo sa katoliko, na kung saan pag namatay ka na ay puwedeng ipagdasal ng mga tao ang mga kasalanan mo na mabawasan para ikaw ay maging karapat-dapat na mapunta sa langit. at meron pa na sa muslim daw ay ang katawang-tao o anumang nilalang ang naririto at nabubuhay sa mundo ay may maliit na porsyento lamang ng kanyang senses, sobrang liit na halos hindi pa ata makakabuo ng 1%. at kapag ito ay sumakabilang-buhay na ay saka lang mabubuo ang senses ng 100%, kung kaya't ang bangkay ng isang nilalang ay sobrang nasasaktan kapag nagalaw mo daw ito. hindi ko alam kung tama ang pagkakaintindi ko, pero i'm doing the best i can to write down kung ano ang sinabi sakin ng muslim at kung pano ko ito naintindihan. hindi naman sa binabalewala ko, pero inuulit ko, ang sakin ay ayos lang kung ano ang pagkakaintindi mo at kung ano ang pananaw mo sa relihiyon mo at nirerespeto ko ito. kumbaga ay kuro-kuro lang, napaguusapan lang. in fact, gusto ko nga na malaman kung papano ang ibang relihiyon bukod sa katoliko.
marami na din daw sikat na katauhang nagko-convert na maging muslim. janet jackson, dalawang anak ni fidel v. ramos, at si ramos pa raw mismo ay mukhang magko-convert na rin daw. ang pinakanagulat ako ay nasabi raw na si michael jackson ay pinapatay ng "the illuminati" dahil sa kanyang pagbabalak na maging muslim. naririnig ko na nga yang illuminati na yan nuon pa at sabi ay isa yang powerful group na nakapagdidikta ng maraming bagay sa mundo. ang sakin lang, sayang si michael jackson... super idol ko yun e.
nabanggit ko din kanina na sobrang natuwa at namangha talaga ako sa kagalingan ni imee marcos sa kanyang pagpapatakbo sa ilocos norte. biruin mo, ito ang kauna-unahang probinsiya sa Pilipinas na ISO certified. sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nun, pero ang alam ko yung ISO certification ay hindi madali. kung sa kumpanya na naghahangad ng ISO certification, it would take the whole company and all of it's employees to participate and make the ISO certification successful. so, in ilocos norte's case, i'm assuming na ang bawat ilocano ay nakilahok at sumunod sa mga patakaran upang maisakatuparan ang sertipikasyon ng ISO. huwow! ang galing!. sobrang galing talaga ng mga marcos. and i'm proud to be an ilocano... biglang nabanggit na sabi-sabi daw si bong-bong marcos ay hindi na tunay na bong-bong marcos... isama mo na si imee, at si imelda... ang totoong bong-bong daw ay masama ang ugali, nakapatay at napatay. humanap ngayon sila ng pinakamalapit na kahawig at siyang ginawang clone at dinikta na maging sa kung sino siya ngayon. si imelda rin daw ay matagal ng patay at ang nakikita nating nagpapanggap bilang imelda ngayon ay ang kanyang kapatid. wow p're, bo-malabs ang pan-usaps niyo! dehins ko keri ang mga story-bels na ganetch! pero ang nakakatawa dun, kahit ang mga nakatira sa ilocos at mga loyalista ay sila rin ang nagsasabi na meron ngang ganun na kuwento. oh well, 'yan ang misteryo ng buhay... hehehe...
marami-rami pang tumatakbo sa isipan ko, at alam naman nating lahat that it always happens kung kelan matutulog ka na at gustong gusto mo na talaga magpahinga. isa na namang misteryo ng buhay - ang utak. isa sa mga pinakamakulit dahil hindi ito tumitigil sa pagbulong at pagdikta sa lahat ng ating gagawin.
naisip ko na gumawa ng video blog, where i can express myself. naisip ko din na isa itong paraan para mawala yung mahiyain ko. oo totoo mahiyain ako. grabe ako pagpawisan sa kahit anong bagay na gagawin ko. i guess it boils down to confidence. my self confidence is really very low. mas may confidence pa nga sakin ang ibang tao que sa ako sa sarili ko e. so kung kilala mo ako bilang makulit, madaldal, hyper, at walang hiya, well... natatawa nalang ako 'cus you don't know what's happening inside of me. yung video blog na gagawin ko parang magiging all about me muna - lessons i've learned through life, things i did or would want to discuss, things i wanna share, mga ganun ba. if i do get an audience, then good. i wanna make it famous but not really big. i want a little participation from the audience as well... or i don't know, whatever it will turn into, basta as long as it's me and it's what i want. frustration ko kasi ang maging entertainer, or at least to be on stage, or in media. in fact i was really wanting to take up mass communication or tourism, pero curious din kasi ako sa science. andami kong gustong gawin palagi, that i end up doing nothing at all. anyway, i really want to make things happen this time. this year, i will make things happen. lahat ng naiisip ko gagawin ko. carpe diem!
No comments:
Post a Comment