so i woke up at around 6:30-ish and started with my morning ritual. took me time as usual. went off to work without having breakfast as always. sabay na kami ni lablab na umalis ng bahay. this is where the "haggard"-ness starts. got on the LRT from Pureza to Recto. started walking to Avenida Rizal to take the jeepney ride to Pier 15, Port Area. inaayos yung kalye sa mismong exit ng Recto LRT station, bago makarating ng Avenida Rizal, at obviously ito ang sanhi ng traffic sa lugar na 'yun. hindi naman ako apektado kasi LRT naman ang sinasakyan ko. maaapektuhan nalang ako ng matinding trapik na inaabot ng halos tatlumpung minuto pagsakay ko ng jeep ng Pier 15. dadaanan kasi nito ang Sta. Cruz area papuntang MacArthur Bridge kung saan meron inaayos sa kalye. hindi ko alam kung kalye nga ba ang inaayos o yung estero. basta sobrang sagabal ito sa trapiko at talagang inaabot ng napakatagal bago lagpasan ng lahat ng mga sasakyang dumadaan dito. grabe. na-realize ko na kung hindi nakasalpak ang earphones ko at hindi ako nakikinig ng mga tugstupak-tugs tugs tugs-pak na tugtugin ay malamang sobrang nabagot na talaga ako at namuti na yung mga mata ko. laging ganyan ang trapik nitong mga nakalipas na linggo dahil dun sa inaayos dun sa paanan ng MacArthur Bridge bago makatawid papuntang Post Office. kung dati inaabot ako ng 30-45 minutes na biyahe papuntang Port Area, ngayon halos isang oras mahigit na. anak ng tugs tupak tugs-tugs-tupak naman o!
pagdating ko sa opisina mabuti at halos wala masyadong pressure. so nagawa ko naman ang aking tungkulin ng nasa tamang oras. at hindi sumablay ang system na ginagamit namin para mag-download ng mga data na gagawin kong report. whew! so nagkaroon ako ng panahon para mag-isnack ng tinapay na may itlog at luncheon meat, na may kasabay na kape. pero bago ko nagawa yun, kinailangan ko munang palitan yung basyo ng water dispenser namin kasi wala na itong laman. at biruin mo, talaga naman bumulaga ang maalikabok na kusina sakin. inayos pala yung lababo! kasi sablay yung unang pagkakalagay nung sink dun sa marble slab. nakausli ito na hindi mo pwedeng hawiin yung tubig papunta sa sink. so inayos na yun, pero hindi pa tapos. ang nakakatawa kasi, meron talagang division of labor. iba pa raw yung maglalagay ng grout dun sa paligid nung sink. hanep talaga! pwede naman gamitin yung sink, kaya lang hindi mo pwede paapawin yung tubig kasi lulusot nga yung tubig sa singit dahil walang grout. ewan ko ba... dahil dito, ninamnam ko nalang ang almusal ko na medyo late na din.
may nagpakain kanina sa opisina. sa totoo lang hindi ko alam kung bakit. basta ang alam ko, meron libreng pagkain. hahaha... sinubukan ko rin naman alamin ang dahilan ng handaan. ang sabi ay nakatanggap na daw ng sweldo kaya nagpakain. so, parang napaisip ako kasi baka pag tumanggap ako ng sweldo kailangan ko rin magpakain... ganon?... mukhang masarap yung puto...
pansit, barbecue, puto, at softdrinks... handaan na meryenda namin kanina. naparami ako ng kain, kasi libre. hehehe... bumanat bigla yung isa samin na lalake raw yung baboy nung barbecue. inamoy ko ang sarili ko at sinabi ko na wag siyang magbibiro ng ganun. tawanan silang lahat. sabi ko minsan bubusina naman siya kung meron siyang sasabihin na wala sa hulog. tawanan pa rin sila at sabay sabi sakin seryoso daw siya. nagbiro ako na lalo akong nagagalit. pero pinagpapawisan na siya kasi tawa sila ng tawa. pwede mo pala malaman kung ano ang kasarian ng baboy na kinakain mo sa amoy nito? magaling kung ganun... sabi niya kasi hindi daw kasi ako nag-alaga ng baboy. sabi ko, eh ako nga yung baboy tapos mag-aalaga pa'ko ng baboy? tawanan pa rin sila. akala nila nagpapatawa ako... tama sila... hehehe... so nag-second round ako sa pagkain, at sa pagpunta ko sa kabilang bahagi ng opisina ay naikwento ko ang mga napagtawanan namin tungkol sa amoy nung lalakeng baboy. siyempre pinagtawanan din nila ako, hindi nila alam dinaan ko lang sa daldalan para makakuha ulit ako ng pagkain... buwahahaha!!! nagtagumpay ako sa aking second serving... sobrang nabusog nako. so kinailangan muna maglakad-lakad... napadpad ako sa kabilang opisina at nakita ko na naman yung pagkain... tumalikod agad ako. baka kasi mapakain ulit ako e.
out of the blue, biglaan dumating yung isang taga-kabilang building kung saan meron siyang dalang "pagkakaperahan" daw. trabaho pala para sa OJT namin. parang data encoding lang. pero malamang sa malamang meron syempre syang ilalaan na kapalit na pera sa ipapagawa niya. gusto ko na sana aku-in yung ipapagawa, pero nahiya ako e... yun naman kasing OJT walang sinusuweldo, at yun nalang ang paraan para magkapera siya kahit pano. so hinayaan ko na. pero sa totoo lang matagal ko na gusto kuhain yung trabaho na yun kasi extra income din yun. in fact bigla ko rin naisipan na mag-tanong-tanong sa mga nakakilala ko dun sa bureau kung meron mga nangangailangan ng alipin. hehehe... well, ibig ko lang naman sabihin na kung meron silang mga data encoding jobs na gusto nila ipagawa, i'm willing to do as long as meron itong kapalit na halaga. in short, sideline ba. andami ko sinabi, sideline is what best describes it. buti nalang at lumawak ang network ko nung sumali ako sa Dance Presentation namin nung Christmas Party last year. so nagtanong-tanong ako at sana naman ay meron nga ako makuha. nabanggit ko na din na binebenta ko yung iphone 4s ko. meron naman naging interesado, at inalok na din niya sa mga kakilala niya. sabi ko mag gugustuhin ko sana kung siya nalang ang bumili kasi at least kilala ko siya. anyway, sana nga mabenta na din yung iphone kasi hindi ko naman talaga nagagamit. nai-alok ko na din yung mga binebenta naming goodies na galing sa ComFoods. sana meron din bumili. i really want to open up a bank account na. at sana makabili na din ako ng android tablet. eto na andami ko na naman naiisip... chill lang, utak... isa-isa lang...
i'm really looking forward na magawa ko yung mga gusto ko mangyari...
uy! magandang balita pala! yun daw kontrata namin ay napirmahan na ni depcomm taƱada at kasalukuyang nasa opisina na ni commissioner biazon. sana mapirmahan na yun pagdating niya mula cebu kinabukasan - malamang sa huwebes yun - para pagdating ng biyernes mapa-notaryo na namin at ng mabigay na din namin yung DTR para magka-sweldo na kami by next week. ang saya siguro nun! hay...
natapos ang araw ko sa opisina kausap yung interesado sa pagbili nung iphone. bago kami umuwi, nakausap ko ang mga taga-kabilang opisina at nabanggit kasi na meron palang zumba session sa Port Of Manila tuwing tuesdays and thursdays. akala ko libre, hindi pala. sabi nila, dun nalang daw namin gawin sa office after office hours. sabi ko pwede, kasi meron akong hip hop abs na video na pwede namin sabayan. sana maisakatuparan din yun kasi wala na ako iba maisip na exercise bukod dun. oh well... uwian na!!!
eto na... my ordeal on my way home. grabe din ang trapik sa tapat ng Manila City Hall as usual, pero mas na-doble ang trapik pagdating ulit sa Sta. Cruz. sana matapos na yung inaayos nila dun para mabawasan na yung malubhang trapik...
No comments:
Post a Comment